Nagpatupad na ng travel ban ang pamahalaan patungo at mula sa North Gyeongsang Province ng South Korea.
Bunga pa rin ito ng outbreak ng 2019 coronavirus disease (COVID-19) na nagsimula sa Daegu –isang syudad sa Gyeongsang Province.
Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, hindi sakop ng travel ban ang mga permanent residents, mga estudyanteng nag-aaral dito at Overseas Filipino Workers (OFWs).
Sa kasalukuyan ay nasa mahigit 1,100 na ang COVID-19 cases sa South Korea sa loob ng maikling panahon,.
Sinabi ni Panelo na pinag-aaralan pa ng Inter-Agency Task Force on Emerging Diseases kung kailangang palawakin ang sakop ng travel ban.
Tuloy-tuloy rin anya ang pag-aaral kung dapat ring magpatupad ng travel ban sa iba pang bansa tulad ng Singapore.