Idinepensa ng Malakanyang ang ginawang pag-veto ni pangulong rodrigo duterte sa panukalang batas na layong palakasin ang PCA o Philippine Coconut Authority.
Ayon kay Presidential spokesperson Atty. Salvador Panelo, ito’y dahil sa tinanggal ng kongreso ang kapangyarihan ng ehekutibo na tumingin at bantayan ang naturang ahensya.
Batay sa nasabing panukala, binibigyang kapangyarihan ang PCA board na gamitin ang sampung bilyong pisong (P10 billion) pondo nang walang terminal date at isasailalim lang sa pagrebisa ng kongreso makalipas ng anim na taon
Sinabi ni Panelo, naniniwala silang magiging mitsa lang ito ng mas malawakang katiwalian sa ahensya na nais nang tuldukan ng pangulo.
Magugunitang ang PCA, tulad ng road board ay isa sa mga ahensyang nais nang buwagin ng punong ehekutibo dahil sa tadtad umano ang mga ito ng katiwalian.