Hiningi na ng ehekutibo ang tulong ng Kongreso para mabigyan ng kapangyarihan si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito’y para ituloy na ang pakikipag-negosasyon sa pamilya Marcos upang mabawi na ang mga umano’y yamang ninakaw nito sa mga Pilipino.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, bagama’t layunin ng kanilang apela ay para pormal nang maisara ang usapin, hindi naman niya maidetalye ang magiging papel ng kongreso sa proseso.
Ngunit pagtitiyak ni Abella, tutuparin ng Pangulo ang kaniyang pangako na maibalik sa mga Pilipino ang mga sinasabing nakaw na yaman na may transparency sa publiko.
By Jaymark Dagala
SMW: RPE