Nagpasalamat ang Malacañang sa Senado dahil sa pagkakalusot ng Senate Bill 1986 o “Universal Health Care Bill”.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, napakaling bagay kung maisabatas ang naturang panukala dahil ito ay magbibigay ng prayoridad na mabigyan ng maayos na serbisyong pangkalusugan ang mga mahihirap na walang kakayahang gumastos sa pagpapagamot.
Sinabi din ni Roque na malapit ito sa kaniyang puso bilang siya ang pangunahing may akda sa House version ng panukala.
Nakalusot sa Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang nasabing panukala na nagsusulong ng karapatang pangkalusugan ng bawat Filipino.
—-