Nagpasalamat ang Malacañang sa sambayanang Pilipino para sa patuloy na pagtitiwala kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Inihayag ito ng Palasyo sa harap ng survey ng Pulse Asia na nagsasabing tumaas sa 88 percent ang approval ratings ng Pangulo.
Maliban dito umakyat din sa 87 percent ang tiwala naman ng mga Pilipino sa Pangulo.
Gayunman, iginiit ni Presidential Spokesman Harry Roque na hindi nagtatrabaho ang Punong Ehekutibo para sa ratings dahil interes aniya ng taumbayan ang pangunahing prayoridad ng Pangulo.
Mataas o mababa man ang rating, tiniyak ng kalihim na doble kayod ang pamahalaan para labanan ang iligal na drogra kriminalidad at korupsyon at mabigyan ng kumportableng pamumuhay ang bawat Pilipino.
—-