Nagpasalamat ang Malakanyang sa ibinigay na tulong ng Estado Unidos para tuluyang malipol ang mga Maute – ISIS group sa Marawi City.
Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, malaking bagay ang naibahaging technical expertise at mga makabagong kagamitang pandigma ng Estados Unidos sa pagpigil ng planong pagtatatag ng caliphate ng ISIS sa bansa.
Ikinalugod din ng Malakanyang ang ibinigay na pagkilala ni US Defense Minister John Mattis sa sakripisyo ng mga sundalong Pinoy.
Dagdag pa ni Abella, pursigido ang pamahalaan na ipagpatuloy ang magandang ugnayan ng Pilipinas sa iba pang mga bansa para labanan ang terorismo.