Kumpiyansa ang Malakaniyang na nawawala na ang mga agam-agam ng publiko hinggil sa pagiging epektibo ng mga bakuna kontra COVID-19.
Ito’y ayon sa Palasyo makaraang ipagtaka nito na tila hindi gumagalaw ang bilang ng mga tumatangging maturukan ng bakuna batay sa inilalabas na resulta ng ilang survey firm.
Giit ni Roque, tanging problema lamang na kanilang kinahaharap ay dahil sa kinakapos na ang suplay ng bakuna.
Taliwas aniya ito sa mga nakikita nila sa ground na may ilang indibiduwal na nag-iikot sa iba’t ibang bayan para lamang mabakunahan kontra COVID-19.