Tatlo pang quarantine facilities para sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) patients ang nakatakdang buksan ng gobyerno.
Kabnilang dito ayon kay BCDA chief vince dizon ang PhilSports Arena sa Pasig City, Philippine Arena sa Bulacan at Filinvest Tent sa Muntinlupa City.
Sinabi ni Dizon na inaasahang matatapos hanggang ngayong araw na ito ang PhilSports Arena.
Samantala malapit na ring matapos ang COVID-19 treatment facility sa eva macapagal super terminal na ang conversion ay pinangungunahan ng Philippine Ports Authority at Philippine Coast Guard.
Ang nasabing pasilidad sa loob ng Pier 15 sa Manila South Harbor at mayruong 211 cubicles ay ginastusan ng P100-M ng Lopez Group of Companies.
Ang pasilidad ay hinati sa apat na magkakaibang zones depende sa level ng COVID-19 infection ng mg pasyente.