Nakatuon ang Malakanyang sa pagbibigay ng ayuda sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Agaton.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, kanilang ikinatutuwa ang hakbang ng NDRRMC at mga lokal na pamahalaan sa maagap na pag – aksyon bago pa manalasa ang naturang sama ng panahon.
Kapansin – pansin din aniya na libu – libong mga residente sa mga apektadong lugar ang nagsagawa ng preemptive evacuation at agad nagtungo sa mga ligtas na lugar bago mag – landfall ang bagyong Agaton.
Samantala, inihayag ni Roque na nag – donate ng 280,000 dolyar ang Red Crescent Movement ng Qatar sa Philippine National Red Cross para naman sa mga biktima ng bagyong Vinta noong Disyembre.
Una nang sinabi ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Spokesperson Mina Marasigan na mahigit dalawandaang (200) pamilya ang tumutuloy ngayon sa kani – kanilang mga kamag – anakan.
Partikular aniyang isinailalim sa force evacuation ang Capiz, Zamboanga, Agusan Del Sur, Surigao Del Norte, Surigao Del Sur at Dinagat Island.