Tiniyak ng Palasyo ang patuloy na pagrespeto ng administrasyong Duterte sa ‘press freedom’ o kalayaan sa pamamahayag.
Ito’y ayon kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar kasabay ng paggunita ng World Press Freedom ngayong araw.
Patunay lamang aniya nito ang paglikha mismo ng pamahalaan ng Presidential Task Force on Media Security (PTFOMS) upang mabigyan ng proteksyon ang mga mamamahayag.
Dagdag pa ni Andanar, patuloy ang kampanya ng gobyerno laban sa ‘fake news’ o ‘disinformation’.
Binigyang-diin din nito na doble-kayod ang PCOO sa pagtataguyod upang labanan ang mga pekeng balita na aniya’y isa sa mga sumisira sa malayang pamamahayag.
with report from Jopel Pelenio (Patrol 17)
Bilang ng mga mamahayag na namatay noong 2018 naitala sa 95 — IFJ
Nasa 95 na mamahayag ang naitalang namatay nitong 2018 kung saan ang bilang na ito ay mas mataas kumpara noong 2017.
Ayon sa International Federation of Journalists (IFJ), maguguntiang noong nakalipas na taon ay nasawi ang ilang mamamahayag sa kasagsagan ng kanilang pagseserbisyo at hangaring maghatid ng balita sa publiko.
Naitala ang pinakamataas na kaso sa Afghanistan kung saan 16 journalists ang namatay sa nasabing bansa.
Samantala, 11 sa Mexico, walo sa Syria at Yemen, pito sa India at 5 sa Estados Unidos.
Matatandaang noong nakaraang taon, isa sa mga notable na pagpatay sa mga mamahayag ay ang pagkamatay ni Saudi journalist Jamal Khashoggi kung saan ito ay mariing na kinondena ng international communities.