Nakiisa ang Malakaniyang sa paggunita sa ika-11 anibersaryo ng Maguindanao massacre.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na nakamit na ang hustisya sa ilalim ng Administrasyong Duterte dahil nakakulong na ang magkapatid na ampatuan at ang hatol na guilty sa mga nag-plano ng masaker ay katarungan na rin para sa mga biktima at kaanak ng mga nasawi sa nasabing krimen.
Tiniyak ni Roque ang pag-aresto sa iba pang suspek na nakakalaya pa rin at hindi nakakalimot ang Palasyo na mapanagot ang mga ito sa ginawang krimen.
Nasa kabuuang 58 kabilang ang 32 media workers ang nasawi sa nasabing masaker nuong 2009 habang patungo sa pagpa-file ng kandidatura ng nuoy Buluan Town Vice Mayor Esmael Mangudadatu laban sa nuoy incumbent Mayor Andal Ampatuan, Jr.