Kinumpirma ng Malacañang ang pagpanaw ni dating pangulong Fidel V. Ramos.
Ayon kay Press Secretary Attorney Trixie Cruz-Angeles, isang malaking karangalan ang iniwan ni Ramos sa kasaysayan at pagbabago ng bansa sa pagiging military officer at Punong Ehekutibo.
Kaugnay nito, naghatid ng pakikiramay ang Palasyo sa pamilya, kaibigan, at iba pa ng yumao.
Nakikiramay rin ang mga senador na sina Senate President Juan Miguel Zubiri, Senator Grace Poe, Senator Ramon Revilla Jr., Senator Joel Villanueva at iba pa, gayundin si Albay second district represenstative Joy Salceda.
Pinasalamatan naman ng pamilya ni Ramos ang mga nakikipagdalamhati sa pagkawala ng dating pangulo.
Si Ramos na pumanaw sa edad na 94 ay nagsilbi bilang ika-labindalawang pangulo ng Pilipinas mula noong 1992 hanggang 1998.