Nagpaabot ngayon ng pakikiramay ang gobyerno ng pilipinas sa mga pamilyang naulila at nawalan ng tirahan sa matinding “wildfire” sa Northern California.
Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, batay sa kanilang report na nakuha nasa mahigit tatlumpu (30) na ang namatay at libu–libong residente na ang nawalan ng tirahan dahil sa patuloy na pananalasa ng malaking sunog sa California na nagsimula pa noong October 8.
Bagamat walang pilipinong napaulat na nasawi, tiniyak ni Abella na patuloy na tututukan ng consulate general ng Pilipinas sa San Francisco ang kaligtasan ng nasa mahigit labing walong (18) pilipinong nakatira sa Napa at Sonoma counties na pinakaapektadong lugar ng sunog.