Nanawagan ang Malakanyang sa Ateneo De Manila University (ADMU) na aksyunan ang nga viral na video ng bullying sa loob ng paaralan.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, dapat na imbestigahan ng unibersidad ang pambubully ng isang mas maliit na estudyante sa isa pang estudyante.
Aniya, maging siya ay nakita nya ang video at nagulat sa ginawa ng Ateneo Junior High School student na pambubully.
Binigyang diin ni Panelo na mahigpit na ipinagbabawal sa batas ang pambubully.