Nananawagan ang Malakanyang sa publiko na bigyan ng pagkakataon si Vice President Leni Robredo na mailatag ang sarilii nitong istratehiya kontra iligal na droga.
Ito ay matapos tanggapin ni Robredo ang pagtatatalaga sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang Co-chairman ng inter-agency council on anti-illegal dugs.
Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, dapat mabigyan ng kalayaan ang pangalawang pangulo na balangkasin ang sariling pamamaraan na sa tingin niya ay epektibo para masugpo ang iligal na droga.
Samantala, ikinalugod naman ng Malakanyang ang pagiging bukas ni robredo at pagtanggap nito sa hamon ni PDEA Chief Aaron Aquino na sumama ito sa mga anti-drug operations.
Sinabi ni Panelo sa ganitong paraan makikita ni Robredro ang realidad sa mga operasyon at nang muli nitong ma-assess ang posisyon nito laban sa war on drugs ng pamahalaan.