Pinayuhan ng Malakanyang ang publiko na magtiis-tiis na muna sa kasalukuyang sitwasyon.
Ito ay sa harap ng nakatakdang pagtataas sa pasahe sa jeep at bus na inaprubahan ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB).
Humingi ng pang-unawa si Presidential Spokesperson Salvador Panelo lalo’t wala aniyang magagawa ang pamahalaan kundi payagan ang mga hirit ng taas pasahe dahil sa pagmahal ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.
Iginiit ng Malaknyang na hindi nila kontrolado ang pagtaas ng presyo ng langis lalo’t lahat naman aniya ng bansa ay apektado nito.
Sa kabila nito, kumpiyansa si Panelo na bababa din ang presyo ng langis gaya sa mga nakaraan.