Nangangamba ang Palasyo na maparalisa ang operasyon ng Energy Regulatory Commission o ERC.
Ito ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque kasunod ng pag – suspindi ng Ombudsman kina Commissioners Gloria Victorua Yap – Taruc, Alfredo Non, Josefina Patricia Magpale – Asirit at Geronimo Sta. Ana dahil sa mga maanomalyang transaksyon.
Sinabi ni Roque na ang nananatiling opisyal ng ERC na si Chairperson Agnes Devanadera ay hindi naman maaaring mag desisyong mag-isa sa mga usaping may kinalaman sa ERC.
Dahil dito, ipinabatid ni Roque na pinag – aaralan na ng Office of the Executive Secretary ang opsyon nito kaugnay sa pagkaka – suspindi sa mga nasabing commissioner ng ERC.