Pinaninindigan ng Malakanyang na dapat ay cash-based ang 2019 national budget.
Binigyang diin ni Presidential Spokesman Harry Roque na mas maraming bentahe ang cash-based budget kumpara sa obligation based at akma ito sa isinusulong na kampanya ng gobyerno laban sa korupsyon.
Sinabi ni Roque na sa ganitong sistema ng alokasyon mas mabilis ding matatapos ang mga proyekto at maiiwasan ang mga nakatiwangwang o nakatenggang government projects.
Iwas antala rin aniya ang cash-based budget maliban pa sa mawawala na rin ang ghost projects dahil available kaagad ang pondo at dapat ipatupad ang proyekto.
(Ulat ni Jopel Pelenio)