Nanindigan ang Malakaniyang na hindi makikipag negosasyon sa mga terorista ang pamahalaan makaraang lumutang ang hiling na palit ulo ng teroristang Maute sa Marawi City.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, malinaw ang polisiya ng pamahalaan hinggil sa usapin at hindi nito hahayaang malagay sa kompormiso ang sistema ng katarungan.
Gayunman, sinabi ni Abella na mas mainam kung hihintayin na lamang mga developments dahil sa nagpapatuloy pa rin ang clearing operations ng militar laban sa mga terorista.
Hinggil naman sa panukala ng MILF o Moro Islamic Liberation Front na mamagitan para umalis na ang mga terorista sa Marawi, sinabi ni Abella na kanilang ikinukonsidera ang lahat para sa ikalulutas ng krisis sa nasabing lugar.
By: Jaymark Dagala / Aileen Taliping
Palasyo nanindigan sa no negotiation policy was last modified: June 28th, 2017 by DWIZ 882