Nanindigan ang Malakanyang na walang human rights crisis sa Pilipinas.
Ito ang reaksyon ni Presidential Spokesman Salvador Panelo sa balitang hinaharang ng human rights watch ang membership ng Pilipinas sa human rights council dahil sa mga kaso umano ng extra judicial killings sa administrasyong Duterte.
Ayon kay Panelo, hindi kinukunsinte ng pamahalaan ang anumang paglabag sa karapatang pantao.
Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte na rin aniya ang ilang ulit na nagsasabi na hindi niya pinahihintulutan ang human rights violation ng opsiyal ng pamahalaan.
Sinabi ni Panelo na patunay nito ay ang pagsasampa ng kaso laban sa mga pulis na umaabuso sa mga isinasagawa nilang operasyon.