Hindi makikipag-negosasyon ang pamahalaan sa mga terorista.
Ito ang paninindigan ng Malakanyang sa lumutang na “palit – ulo” kung saan handa ang Maute Group na palayain ang bihag nilang pari kapalit ng mag-asawang Cayamora at Farhana.
Giit ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella, may polisiya ang pamahalaan na hindi makiki-pagusap sa mga terorista.
Aniya, hintayin na lamang ang magiging resulta ng nagpapatuloy na clearing operations ng militar sa Marawi City.
Kaugnay naman ng alok ng MILF o Moro Islamic Liberation Front na mamagitan sa pamahalaan at Maute Group, sinabi ni Abella na ikinukunsidera ng Malakanyang ang lahat ng posibilidad para malutas ang krisis sa Marawi City.
By Krista De Dios | With Report from Aileen Taliping