Nanindigan ang Malacañang na hindi tatanggap ng anumang donasyon mula sa European Union o EU kahit pa para sa rehabilitasyon ng Marawi City.
Ayon kay Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar, ito ay bilang pagtalima sa nanunang pahayag ng Pangulo na hindi tatanggap ang Pilipinas ng tulong sa EU.
Matatandaang ginawa ang Pangulo ang pahayag matapos na batikusin ang pakikialam at pagkondena ng EU partikular ang mga paglabag sa karapatang pantao dulot kampanya ng gobyerno kontra iligal na droga.
Samantala, sinabi ni Andanar na maliban sa EU ay bukas naman ang gobyerno sa iba pang mga donasyon mula sa ibang bansa bilang dagdag pondo sa 5 bilyong inilaan para sa rehabilitasyon ng syudad.