Nagmatigas pa rin ang pamahalaan kaugnay ng panawagan ng Maute Group na mamagitan ang MILF para sa negosyasyon sa nagpapatuloy na krisis sa Marawi City.
Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, kung may dapat may mamagitan, ito ay ang OPAPP o Office of the Presidential Adviser on the Peace Process.
Gayunman, iginiit ni Abella ang umiiral na no negotiation policy ng pamahalaan kaya nanindigan ang Malakanyang na hindi makikipa-usap sa teroristang grupo.
Aniya, mismong si Pangulong Duterte na ang nagsabing walang puwang sa sibilisadong lipunan ang Maute Terror group na dapat durugin at walang itirang buhay.
By: Krista De Dios / Aileen Taliping
Palasyo naninindigan hindi makikipag negosasyon sa Maute Terror Group was last modified: June 30th, 2017 by DWIZ 882