Naniniwala ang Malakanyang na ang mga politikong kritiko ng Pangulong Rodrigo Duterte ang nasa likod ng mga artikulong sunod – sunod na inilalabas ng New York Times, kontra sa Pangulo.
Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na halatang demolition job ang ginagawa ng New York Times para makuha ang pansin ng international community.
Sa kabila nito, tiniyak ng Palasyo na hindi ito makaka-apekto sa kampanya ng pamahalaan kontra ilegal na droga, korupsyon at krimen.
Nitong Linggo ay inilabas ng New York Times ang artikulo na may pamagat na, “Becoming Duterte: The Making of The Filipino Strong Man,” ang editoryal na buhat sa mga pahayag nina Cong. Gary Alejano at confessed davao death squad o DDS member Edgar Matobato, at ang dokumentaryong tinawag na, “When A President Says, ‘I’ll Kill You”.
By Katrina Valle |With Report from Aileen Taliping