Ang Pangulo ng China ang siyang maaaring magbukas ng talakayan sa Pangulong Rodrigo Duterte sa usapin ng Chinese workers na nagtatrabaho sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa.
Nilinaw ito ng Malacañang dahil iligal sa China ang pagsusugal at hinahabol ang mga operators.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, posibleng nababahala si Chinese President Xi Jinping na nauuwi sa money laundering ang operasyon ng POGO hub sa Pilipinas.
Itinakda sa August 28 hanggang September 1 ang bilateral talks nina Pangulong Rodrigo Duterte at Xi.