Nilinaw ng Malakanyang na walang inilalabas na anumang deklarasyon si Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa suspensyon ng trabaho at klase sa Nobyembre 12 hanggang 15.
Ito ay matapos kumalat sa social media ang umano’y post mula sa Presidential Security Group (PSG) na walang pasok sa trabaho at eskwelahan sa Metro Manila sa nabanggit na petsa kung kailan idaraos ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit.
Giit ni Abella, ang lumabas na anunsyo sa social media ay hindi opisyal at hindi galing sa Malakanyang.
Samantala, abala na ngayon ang gobyerno sa paghahanda sa ASEAN Summit dahil ang Pilipinas ang host country sa taong ito.
Inaasahan namang darating sa bansa ang matataas na lider ng bansa gaya nina US President Donald Trump, Russian President Vladimir Putin at Chinese President Xi Jin Ping.