Iginagalang ng Malakanyang ang pagbibitiw sa puwesto ni Commission on Elections (COMELEC) Chairman Andres Bautista.
Ito ay ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar.
Sa pagbibitiw na liham ni Bautista, sinabi nito na labis nang naapektuhan ang kanyang mga anak dahil sa kontrobersiyang kinakaharap nilang mag-asawa.
Nagpadala si Bautista ng liham kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa kanyang COMELEC family para ipaalam ang kanyang pagbaba sa puwesto.
Epektibo ang kanyang pag-alis sa puwesto sa katapusan ng Disyembre ng taong kasalukuyan.
Una rito, ibinunyag ni Congressman Harry Roque na nangako si Bautista na magbibitiw sa puwesto kapalit ng pagbasura ng House Committee on Justice sa impeachment case laban sa kanya na nag-ugat sa alegasyon ng ill-gotten wealth mula mismo sa kanyang asawang si Patricia Bautista.