Nirerespeto ng Malacañang ang paninindigan ng Bureau of Immigration na paalisin ng bansa ang Australian nun na si Sister Patricia Fox.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na kahit gaano pa kalupit ang batas, kailangan itong ipatupad.
Si Fox ay inutusan ng BI na lumabas ng bansa noong May 25 matapos labagin ang mga kondisyon kaya’t nananatili siya sa Pilipinas sa pamamagitan nang pakikiisa umano sa mga rally.
Iniapela ito ni Fox subalit ibinasura ng BI Board of Commissioners dahil sa kakulangan ng merito.
Una nang inihayag ng Palasyo na tanging ang Court of Appeals lamang ang makakapigil sa BI para ipatupad ang kautusan nito laban kay Fox.
—-