Nirerespeto ng Duterte Administration anuman ang opinion o paniniwala ng iba’t ibang pinuno ng ahensya ng gobyerno kabilang na ang ibang sangay ng pamahalaan.
Ito ang tugon ni Presidential Communications Office Assistant Secretary Kris Ablan sa gitna ng magkaka-ibang opinyon ng mga Senador at Kongresista sa kampanya kontra droga ng Administrasyong Duterte.
Ayon kay Ablan, bagaman ang Pangulo ang appointing authority o nagtalaga sa mga pinuno ng ahensya, hindi ito nangangahulugang wala na silang karapatang maglatag o maghayag ng sarili nilang opinyon.
Paglilinaw ni Ablan, hindi nakiki-alam ang punong ehekutibo sa mga aksyon o posisyon ng mga mambabatas sa alinmang issue kabilang na ang mga constitutional body.
Isa anyang demokratikong bansa ang Pilipinas at nirirespeto ng ehekutibo anuman ang opinyon ng iba’t-ibang leader ng ahensya ng gobyerno.
Ulat ni Jopel Pelenio
SMW: RPE