Tumangging magkomento ang Malacañang sa ulat na isang mataas na opisyal ng Palasyo ang protektor umano ng mga druglord sa bansa.
Ito’y makaraang ibunyag ng isang dating agent ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na protektor umano ng mga drug lord ang kanilang hepe na si Arturo Cacdac at isang opisyal ng ehekutibo.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Sonny Coloma, mahirap magsalita hinggil sa issue lalo’t walang beripikadong impormasyon hinggil dito.
Maselan anya ang usapin kaya’t dapat timbanging mabuti dahil posibleng naghahanap na lamang ng idadamay ang mga tunay na sangkot sa iligal na droga upang ipahamak ang mga humahabol sa mga ito.
By Drew Nacino | Aileen Taliping (Patrol 23)