Hindi hahayaan ng Pilipinas ang ginagawang pangangamkam ng China sa mga teritoryo sa West Philippine Sea.
Inihayag ito ng Malacañang matapos makatanggap ng ulat na may panibagong itinatayong runway ang China sa mga pinag-aawagang isla sa naturang karagatan.
Sinabi ni Presidential Communications Group Secretary Sonny Coloma na determinado ang gobyerno na igiit ang importansya ng freedom of navigation at overflight sa nabanggit na lugar.
Dagdag pa ni Coloma, mas lalong magpapaigting sa tensyon sa West Philippine Sea ang panibagong aktibidad ng China at malinaw na paglabag ito hindi lamang sa international law kundi maging sa Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea.
By Meann Tanbio | Aileen Taliping (Patrol 23)