Handa ang Malakanyang na i-anunsyo ang pagtatapos ng sagupaan sa Marawi City.
Ito ay sa sandaling masiguro na ng tropa ng pamahalaan na tuluyan nang maaresto ang nalalabi pang mga terorista sa lungsod.
Kasunod ito ng matagumpay na paglikida kina Omar Maute at ang emir ng ISIS sa Southeast Asia na si Isnilon Hapilon.
Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, nais ding matiyak ng gobyerno na wala nang mga nakatanim na improvised explosive device o IED sa mga gusaling nabawi mula sa Maute terrorist group.
Dagdag pa ng tagapagsalita ng Palasyo, oras na matuldukan na ang gulo sa Marawi City, agad nang sisimulan ang rebuilding at rehabilitation program sa lungsod.