Tinawag na propaganda lamang ng Malakanyang ang alegasyong sangkot umano si Presidential son at Davao City Vice Mayor Paolo Duterte sa umano’y smuggling activity sa Bureau of Customs (BOC).
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, dapat sa Korte dinadala ang mga ganoong klaseng alegasyon at dapat mapatunayan ito sa ilalim ng batas.
Nag-ugat ang pahayag na ito ng Palasyo makaraang kumalat sa social media ang larawan ni Vice Mayor Duterte at ng tumayong middleman sa mahigit anim na bilyong pisong halaga ng puslit na shabu sa Customs na si Kenneth Dong.
Kasunod nito, hinamon din ni Abella ang taong nasa likod ng pagkakalat ng nasabing larawan na lumantad ang maglabas ng matibay na ebidensya na nag-uugnay kay Vice Mayor Duterte sa nasabing anomalya.