Isinailalim na sa beripikasyon ng Malakanyang ang nilalaman ng CCTV na nakuha ng Reuters kaugnay sa isinagawang anti – drug operation ng Manila Police District o MPD noong Oktubre 11 sa Tondo, Maynila.
Batay sa ulat ng Reuters, apat na CCTV footages ang tila kumokontra sa inilabas na police report ng MPD, kung saan tatlong drug suspect ang nasawi matapos manlaban sa mga pulis.
Ngunit sa kuha ng CCTV, makikita na wala namang armas ang mga napatay na suspek.
Samantala, kinuwestyon naman ni Philippine National Police o PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa kung bakit ngayon lamang ito inilabas ng Reuters kung kailan inanunsyo na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang plano nitong ibalik sa kanila ang war on drugs.
Nanindigan naman si MPD Director Chief Superintendent Joel Coronel na naaayon sa police operational procedure ang ikinasang anti – drug operation ng kanyang mga tauhan.