Pinayuhan ng pamahalaan ang publiko na sundin pa rin ang minimum public health standards ngayong holiday season lalo’t may banta ng Omicron variant.
Ito ay ayon kay Cabinet Secretrary at Acting Presidential Spokesman Karlo Nograles sa kabila ng gumagandang sitwasyon dahil nananatili pa rin ang banta ng COVID-19.
Aniya, mahalagang isaalang-alang ang kaligtasan dahil hindi pa nawawala ang banta ng virus.
Hinikayat naman ni nograles ang publiko na makiisa sa tatlong araw na vaccination days.——sa panulat ni Hya Ludivico