Itinanggi ng Malakaniyang ang napaulat sa hindi umano pagkonsulta sa mga Local Government Unit (LGU) bago ipatupad ang pinalawig na Alert level system.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, bagama’t hindi nakonsulta ang kabuuang miyembro ng League of the Provinces of the Philippines (LPP) nasabihan naman ang mga LGU bago ito sinimulang ipatupad kahapon.
Maliban kasi sa Metro Manila, pinairal na rin sa ilang lugar sa labas ng NCR ang alert level system.
Magugunitang sinabi ng LPP na nabigla sila hinggil sa Alert level system kung kaya’t nais nila itong pansamantalang suspendihin para mapaghandaan.