Pinadudulog ng Malakanyang sa PNP at kinauukulang ahensya ng gobyerno ang tatlong pari na umano’y may banta sa buhay.
Sagot ito ng Malakanyang sa hamon ni Father Jerome Secillano, executive secretary ng CBCP Permanent Committee on Public Affairs na patunayang hindi galing sa gobyerno ang death threats laban kina Father Albert Alejo, Father Flavie Villanueva at Father Robert Reyes.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na sa ganitong paraan ay makapagsasagawa ng imbestigasyon ang kinauukulang tanggapan ng gobyerno at mabibigyan ng proteksyon ang mga nasabing pari.
Inihayag ni Panelo na nasa mga pari ang responsibilidad na patunayang may banta sa kanilang buhay.