Pinag-aaralan ng Malakanyang ang pagpapatupad ng four day work week at flexi-work arrangement para sa mga manggagawa sa mga tanggapan ng pamahalaan.
Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, bahagi ito ng ipinatutupad ng mga hakbang ng pamahalaan para mapigilan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Aniya, iminungkahi ito ng Civil Service Commission (CSC) kasunod ng pagpapasuspinde ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pasok ng mga estudyante sa buong Metro Manila hanggang Marso 14.
Sinabi ni Nograles, maaari ring i-adopt ng mga employers sa pribadong sektor ang nabanggit na working scheme para maibsan ang posibleng nawawalang kita ng iba’t ibang mga negosyo at industriya dahil sa COVID-19 outbreak.