Pinamamadali na ng Palasyo sa National Telecommunications Commission (NTC) ang pagsisiguro na maayos ang serbisyo ng mga telcos sa bansa.
Ayon kay Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque, hindi nakatutuwa ang datos na lumabas na nasa ika-34 na puwesto ang Pilipinas, mula sa 50 mga bansa sa Asya kung ang serbisyo ng mga telcos ang pag-uusapan.
Pagdidiin ni Roque, may sapat namang pondo ang pamahalaan para ipanggastos dito.
Mababatid na kahapon lang ay sinabi ng mga telcos sa bansa na kanilang aayusin ang kani-kanilang serbisyo.