Pinasalamatan ng Malakanyang ang Senado at House of Representatives matapos na ratipikahan ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Bill.
Sa isang press briefing, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, mahalaga ang pagkakapasa ng TRAIN na magagamit para pondohan ang Build Build Build Program ng pamahalaan.
Bukod dito, nagpasalamat din si Roque para sa pag – ratify naman ng mataas at mababang kapulungan ng Kongreso sa panukalang 3.767 trilyong piso na national budget para sa 2018.
Kasabay nito, tiniyak ni Roque na gagamitin ng pamahalaan ang nasabing pondo sa mabuti at mga pangunahang programa para makamit ang pagbabago at pag – unlad ng bansa.
Inaasahang pipirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang TRAIN bill at General Appropriations Bill bago matapos ang taon.