Pinawi ng Malacañang ang pangamba ng mga private hospitals kaugnay sa pagkaubos ng mga health workers sa bansa.
Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, mayroong sapat na bilang ng mga gagraduate sa kursong medisina ang bansa kaya walang dapat na ikabahala ang mga pribado at pampublikong ospital.
Matatandaang dumami ang bilang ng mga nurse at iba pang medical workers ang nagbi-bitiw sa kanilang tungkulin upang makapagtrabaho abroad dahil sa maliit na kita na kanilang natatanggap mula sa mga ospital.
Dahil dito, nangamba ang Private Hospital Association of the Philippines (PHAPI) sa posibilidad na mauwi sa kakulangan ng manpower ang mga ospital sa bansa sa mga susunod na buwan.
Sinabi naman ni Roque na patuloy na umiiral sa bansa ang deployment cap at hindi umano nagbabago ang polisiya ng pamahalaan. —sa panulat ni Angelica Doctolero