Pinawi ng Malakaniyang ang pangamba ng publiko kaugnay sa kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito’y matapos tila nawalan ng balanse ang Pangulo nang patungo ito sa podium kung saan niya ibibigay ang kaniyang State of the Nation Address (SONA).
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, walang dapat ipag-aalala sa kalusugan ng Pangulo.
Aniya parang nadulas lamang naman ito kahapon kaya siya nawalan ng balanse habang naglalakad.
Giit ni Roque, bagama’t 76 anyos na ang Pangulo, wala itong maitututing na “extraordinary problem” sa kaniyang kalusugan.