Pinuri ng Malakanyang si Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) President Dante Gierran dahil sa pagpapakita nito ng determinasyon.
Kasunod ito ng pagbaba sa puwesto ng 43 senior official ng PhilHealth matapos ipanawagan ni Gierran ang pagbibitiw ng mga ito.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ikinukunsidera ng malakanyang ang pinakabagong kaganapan sa philhealth bilang hakbang patungo sa tamang direksyon.
Alinsunod anila ito sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na magpatupad ng reorganisasyon, pagpapanagot sa mga tiwali nitong opisyal at pagsisimulang muli ng PhilHealth.
Umupo bilang pinuno ng PhilHealth si gierran simula noong nakaraang buwan matapos magbitiw sa puwesto si Ricardo Morales na sa gitna ng alegasyon ng kurapsyon sa ahensiya.