Pinag-aaralan na ng pamahalaan ang pagkuha ng tulong mula AFP o Armed Forces of the Philippines para mapabilis ang clearing o paglilinis sa mga lugar na naapektuhan ng bird flu virus.
Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, isang malaking bagay kung tutulong ang AFP lalo’t hindi maituturing na maliit na kalamidad lamang ang avian flu outbreak sa San Luis, Pampanga.
Ani Abella, kulang ng tao ang Department of Agriculture (DA) at iginiit na mas mapapabilis ang paglilinis sa mga kontaminadong poultry farm kung mas maraming tao ang tutulong.
Dagdag ni Abella, nakikisampatiya ang Palasyo sa mga nararanasan ngayon ng mga naapekytuhan sa industriya ng manukan kaya puspusan aniya ang ginagawang aksyon ng pamahalaan para hindi kumalat ang avian flu outbreak.