Positibo pa rin ang naging pagtanggap ng Malakaniyang sa bahagyang pagbaba sa approval ratings ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong Setyembre.
Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, bagama’t bumaba ang rating ng pangulo, maituturing pa rin itong mataas dahil lagpas pa sa 70%.
Aniya posibleng dahil sa kontrobersiya sa ‘ninja cops’ ang dahilan ng pagbaba ng trust ratings ni Pangulong Duterte.
Hindi na rin umano bago ang mga pagkakataon na bumababa ang trust ratings ng isang pangulo ng bansa lalo na kung may kontrobersiya na bumabalot sa kaniyang administrasyon.
Batay sa Pulse Asia Survey, nasa 78% na lamang ang trust ratings ni Pangulong Duterte mula sa 85% na naitala nuong Hunyo.