Pumalag ang palasyo sa pahayag ng isang presidential candidate kaugnay sa trilyong pisong utang na iiwang legasiya ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Acting Presidential Spokesperson at Communications Secretary Martin Andanar, ang naging pahayag ng isang kandidato ay bahagi lamang ng mga election campaign rhetoric o pagsasalita o pagsulat at paggamit ng pangalan ng isang tao para hikayatin ang mga botante sa papalapit na eleksiyon.
Matatandaang ipinaliwanag ng pangulo na ang mga inutang ng bansa, ay upang pondohan ang mga programa at proyekto ng pamahalaan kung saan, walang iregularidad sa paggastos ng gobyerno sa nasabing pondo. – sa panulat ni Angelica Doctolero