Pinalagan ng Malacañang ang pahayag ni Senador Juan Ponce Enrile na palpak ang liderato ni Pangulong Benigno Aquino III.
Sinabi ni Presidential Communications Group Secretary Sonny Coloma na pinatunayan ng pangulo ang kanyang kakayahan bilang lider simula nang maluklok ito sa puwesto noong 2010.
Ayon pa kay Coloma, ilang krisis na ang nalagpasan ng Aquino administration at sinusunod ang kanyang mandato na naaayon sa kanyang integridad, dedikasyon at katatagan.
Nauna nang inihayag ni Enrile na nakita ang failure of leadership ni PNoy sa Mamasapano incident, Luneta hostage taking at kabiguang maibalik sa normal ang buhay ng mga Yolanda survivors.
By Meann Tanbio