Nagbabala ang Malacañang sa mga miyembro ng PNP Highway Patrol Group na magtatangkang gumawa ng hakbang para dungisang muli ang kanilang pangalan.
Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, nagkalat na ang mga CCTV camera sa EDSA at tiyak na mabubuking kung tatangkain ng mga ito na gumawa ng mali.
Partikular na niya rito ani Lacierda ang pagtatanim ng ebidensya sa mga motoristang magmamatigas o manlalaban sa kanila.
Kasunod nito, hinimok naman ni Lacierda sa publiko na gamitin ang kanilang mga cellphone cameras upang kuhanan ng video o larawan sakaling maka-engkwentro ng mga tiwaling HPG personnel.
Magugunitang ibinalik ni Pangulong Benigno Aquino III sa PNP-HPG ang kapangyarihang manghuli ng mga pasaway na traffic violators makaraang masangkot sa kaliwa’t kanang katiwalian ang hanay ng pulisya.
By Jaymark Dagala