Nanawagan ang Malacañang sa mga kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte na hayaan itong isulong ang maingat, calibrated at kalkuladong foreign policy bilang tugon sa isyu sa West Philippine Sea.
Ginawa ni Presidential spokesperson Harry Roque ang pahayag matapos igiiit nina retired Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio at dating Foreign Secretary Albert del Rosario na mahalaga ang matapang na aksiyon sa gitna ng dumaraming mga barko ng China sa rehiyon.
Ngunit binigyang diin ni Roque na hindi nakatutulong sa bansa ang mga pahayag nina Carpio at del Rosario.
Ayon kay Roque, hindi kailanman tinatalikuran ng Presidente ang claims at karapatan ng bansa sa nasabing teritoryo.