Panahon na para matuldukan ang usapin hinggil sa paghihimlay sa yumaong dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.
Ito’y makaraang pagtibayin ng Korte Suprema ang naunang desisyon nito at ibasura ang mga petisyong humihiling na ipahukay muli ang labi ng dating Pangulo.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, dapat umusad na ang Pilipinas bilang nagkakaisang bansa makaraang tuldukan na ng high tribunal ang usapin.
Wala naman aniyang ibang hangarin ang pamahalaan kung hindi ang mabigyan ng komportableng buhay ang lahat ng mga Pilipino, pag-iral ng rule of law at makamit ang hinahangad na pangmatagalang kapayapaan sa buong bansa.
By Jaymark Dagala / (Ulat ni Aileen Taliping)